Patay ang isang 42 anyos na mangingisda matapos na tamaan ng kidlat sa bayan ng Agno sa lalawigan ng Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Cristopher Nomil.

Ayon sa impormasyon nangunguha ng isda ang biktima sa karagatang sakop ng kanilang bayan nang tamaan ng malakas na kidlat.

--Ads--

Nakipag-ugnayan naman ang kapulisan sa pamilya ng biktima para sa pagsasagawa ng medico legal examination sa labi nito.

Sa ngayon ay pinaglalamayan na ang biktima sa kanilang tahanan.