Dagupan City – Nasiraan ang isang mangingisda sa lungsod ng Dagupan matapos itong pumalaot sa kabila ng malakas na alon sa karagatan.
Ayon sa mangingisdang si Rodolfo Muerong, kahit pa ayaw nila sanang pumalaot dahil na rin sa lakas ng alon ay pinili pa rin ng mga ito na makipagsapalaran ngayong araw dala na rin ng pangangailangan para may maipangkain.
Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay bumitak ang kanilang bangka matapos na salubungin ng isang malakas na alon.
Agad naman aniya silang bumalik sa pampang upang maiwasan ang anumang hindi inaasahang pagkakataon.
Samantala, ayon naman kay Marcos Abayan, Presidente ng Samahan ng mga Maliliit na Mangingisda ng Dagupan City- BJMP Chapter walang pumalaot kahapon, huwebes( hulyo 25, 2024) at ngayon pa lang ngunit nasiraan pa.
Kaugnay nito, may mangilan-nguilan na rin aniya na pinipling mag-konstruksyon muna pansamantala upang may maipang-uwi sa kanilang pamilya.
Samantala, nagpaalala naman ito sa mga mangingisda na kung pipiliing pumalaot ngayon ay manatiling mag-ingat at huwag ipagpilitan kung makitang rumaragasa ang alon at may itaas na gail warning.