DAGUPAN CITY – Ideneklarang dead-on-arrival ang isang mangingisda sa bayan ng San Fabian matapos itong malunod.

Ayon kay Pmaj. Condrado Norial Deputy Chief of Police San Fabian PNP na nangingisda ang biktima sa malalim na bahagi ng center beach ng Brgy. Nibaliw Vidal, sa nasabing bayan.

Nang bigla na lang siyang sumisid para ayusin ang lambat subalit sumabit umano ito sa kaniyang lambat. Hanggang sa makalipas ang ilang minuto, ay hindi na siya lumabas at nakaahon.

--Ads--

Kinilala naman ang biktima na si Jose Costales Damian, 48 taong gulang, may asawa, mangingisda, at residente din ng nasabing bayan.

Narekober naman ang katawan nito ng iba pang mangingisda sa lugar na naipit ito sa lambat.

Agad itong isinugod sa Regional Medical Center (Annex), Bonuan, Dagupan City para mabigyan ng agarang atensiyon ngunit idineklara itong dead on arrival (DOA) ng attending physician.

Paalala naman nito na ugaliing mag-ingat sa pangingisda at kapag masama naman ang panahon ay huwag na lamang pumalaot.