BOMBO DAGUPAN – Wala ng buhay nang isugod sa pagamutan ang isang biktima ng pagkalunod sa bayan ng Bolinao dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay PCAPT. Jayson Orilla, chief of police ng Bolinao PNP, nangyari ang drowning incident sa territorial sea water ng Brgy. Binabalian, sa bayan ng Bolinao kung saan ang biktima ay nakilalang si Emer Canales Alto, 38 anyos, isang mangingisda at tubong Capalonga, Camarines Norte, at kasalukuyang nakatira sa brgy. Binabalian, sa nasabing bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon , base sa kuwento ni Jocelyn Cabansag, manager ng biktima, magkakasama sila ng nakilalang si Ronald Dalit, nang ito ay lumusong sa tubig pero napunta sa malalim na bahagi ng dagat.

--Ads--

Nang magsabi ang biktima na soya ay nahihirapan sa pag hinga ay agad siyang sinagip mula sa ilalim ng tubig ni Dalit at dinala sa RHU II sa Brgy Lucero, Bolinao, subalit deneklarang dead on arrival ng kanyang attending physician.