Nilinaw ng Mangatarem PNP ang isyu hinggil sa pagbebenta ng mga quarantine pass ng mga barangay officials sa bayan ng Mangatarem.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PMaj. Aurelio Manantan, hepe ng Mangatarem Police Station, na wala umanong katotohanan ang nabanggit na issue dahil ang sinisingil lamang ng mga barangay ay para lamang umano sa lamination ng mga passes.

Aniya, wala namang nahuhuli ang kanilang hanay na nagpapabayad ng mga quarantine pass, at napag-sabihan naman na umano nila ang mga opisyal hinggil dito.

--Ads--

Matatandaang 5 hanggang 10 mga indibidwal ang kanilang nasita makaraan na makitang photocopy ang kanilang dalang mga passes at hindi gaya ng orihinal na kopyang binibigay ng Brgy. Council.

Dagdag pa niya, isa pang ikinabahala ng kinauukulan at maging ng kanilang Market Office dahil na rin sa biglaang pagdami ng mga nagpupunta sa bayan, ito ay kumpara rati na isang tao lamang mula sa isang pamilya ang pinapayagang makapunta sa kanilang pamilihan.

Dagdag pa ng opisyal na natapos na ring isailalim sa swab testing ang lahat ng personnel ng kanilang himpilan at nag negatibo naman ang lahat dito.

Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na ang kanilang hanay sa tanggapan ng nabanggit na bayan upang maimplementa nang maigi ang mga umiiral na protocols doon upang maiwasan na ang pagkalat ng COVID-19 sa kanilang nasasakupan.