Dagupan City – Ipinahayag ng Mangaldan Water District na magiging sarado ang kanilang opisina sa Setyembre 27, 2025 para sa nakatakdang Gender and Development (GAD) Activity.
Ayon sa pamunuan ng ahensya, ang pagsasara ng tanggapan ay bahagi ng kanilang commitment sa mga programang nakatuon sa pagpapalawak ng kaalaman ukol sa gender equality.
Bilang alternatibo, pinapayuhan ang mga kostumer ng Mangaldan Water District na magsagawa ng kanilang mga transaksyon tulad ng pagbabayad ng water bill sa mga awtorisadong ECPay Partners at iba pang mga payment platforms upang maiwasan ang anumang abala sa mga apektadong araw ng pagsasara.
Magbabalik-operasyon ang tanggapan ng Mangaldan Water District sa Lunes, Setyembre 29, 2025, at ipagpapatuloy ang pagbibigay ng mga serbisyo tulad ng karaniwang operasyon.
Siniguro naman ng pamunuan na walang magiging pagkaantala sa serbisyo pagkatapos ng araw na iyon.
Pinapaalalahanan ang mga kostumer na samantalahin ang mga online payment options upang hindi magkaruon ng anumang problema sa pagbayad habang sarado ang tanggapan.
Nagpapasalamat ang Mangaldan Water District sa patuloy na suporta at pang-unawa ng kanilang mga kostumer.