Dagupan City – Dinagsa ng publiko ang mga sementeryo mapa-private man o public sa bayan ng Mangaldan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Mangaldan Bry.Guilig Captain Alex rezo, planado na ang mga destinasyon ng mga may dalang sasakyan na dadalaw sa lugar kung kaya’t nasa maayos ang daloy nito.
May akniya-kaniya na rin aniyang mga ruta at isinarang mga kakalsadahan para maiwasan ang siksikan at kaguluhan sa lugar.
Naglagay na rin umano sila ng mga barikada upang mainspeksyon ang mga kagamitan ng mga pumapasok.
Patuloy namang ipinaalala ng kapitan na bawal magdala ng alak, patalim, at iba pang makakapinsala sa mga dumadalaw rin sa mga puntod ng kani-kanilang yumaong mahal sa buhay.
Ayon naman sa naglilinis ng puntod na si Rona Solis, isa sa kanilang mga nililinisan ay ang mga tumutubong damo, tubig sa ilang bahagi na nalubog ng baha at mga kandilang namaga na.
Samantala, pagbabahagi naman ng bumisitang si Jennifer Zarcilla, pinili na lamang nitong magpunta ng maaga sa sementeryo upang hindi na maabutan pa ang siksikan sa lugar.