Posibleng umpisahan na sa mga susunod na araw ng Commission on Higher Education (CHEd) ang mandatory drug testing sa mga estudyante dito sa Rehiyon Uno.

Ito ang kinompirma ni CHEd Region 1 spokesperson Danilo Bose, sa naging panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan.

Base na rin sa inilabas nilang Memorandum Order No. 18 noong nakaraang taon, ipapatupad na ngayong academic year 2019- 2020 ang mandatory drug test sa mga estudyante.

--Ads--

Pahayag ni Bose, magsisimula na nilang imonitor ang iba’t ibang paaralan o eskwelahan dito sa Region 1 sa mga susunod na araw upang masiguro ang pakikiisa ng mga ito sa sa kampanya ng pamahalaan kontra droga.

Tiniyak din ng opisyal ang istriktong pakikipag ugnayan nila sa mga magulang upang makuha ang kanilang ‘consent’ bago isagawa ang drug testing sa mga estudyante.

Matatandaan na una ng sinabi ni CHED Chairman Prospero de Vera na pangunahing malasakit nila ang kaligtasan ng mga kabataan kaya’t nais nilang matiyak na drug-free ang mga pamantasan at kolehiyo sa bansa.

Siniguro din ng CHED na ang isasagawang drug testing ay sa pamamagitan ng DOH-accredited facilities, mga eksperto at maging ng mga private medical practitioners.