DAGUPAN CITY–Nagsasagawa ngayon ng mandatory blood sampling sa lahat ng baboy ang lokal na pamahalaan ng Mangaldan matapos na magpositibo sa ASF ang mga baboy sa ilang barangay para hindi na maikalat pa ang naturang virus at maproteksyunan ang ibang piggery, alinsunod sa inilabas na executive order ni Mangaldan Mayor Marlyn Lambino.

Ipinag-utos na rin ang lockdown o mahigpit na pagbabantay at hindi pagpapasok ng mga baboy na manggagaling sa ibang bayan kung saan papayagan lamang na ibenta sa mga palengke ang mga karne o baboy na nasa Mangaldan.

Hindi na rin pinapayagang pumasok ang processed at frozen meats upang maiwasan ang kontaminasyon sa mga papasok na karne.

--Ads--

Ayon kay Mangaldan Councilor Aldrin Soriano, ilan lamang ito sa ginagawang mga hakbang ng LGU Mangaldan laban sa ASF.

Paliwanag nito na nagpositibo kasi ang tatlong baboy na kinuhanan ng blood sampling noong nakaraang linggo mula sa inilabas na resulta ng provincial laboratory ng Provincial agriculture office.

Mangaldan Councilor Aldrin Soriano

Ayon din sa datos ng municipal agriculturist, nasa 52 baboy na sa barangay bateng ang isinailalim sa culling mula noong nakaraang linggo hanggang kahapon.

Nakatanggap din ng report mula sa ibang barangay ng biglaang pagkamatay ng ibang baboy kaya agad na iniutos ang lockdown sa mga karatig barangay tulad ng bateng, bantayan at talogtog.

Mangaldan Councilor Aldrin Soriano