Simula ngayong araw ang Ontario, ang pinakamataong lalawigan ng Canada, ay inaalis na ang mandatong pagsusuot ng face mask kasunod ng unti-unting pagbaba ng kaso ng covid-19.
Ayon kay Bombo International News Corrsepondent Ruth Marie Magalong na inaasahan na sa katapusan ng buwan ng Abril ay aalisin na rin ang ilan pang restriksyong may kinalaman sa pagtalima sa naturang virus.
Aniya na sa nabanggit na lugar ay tatapusin nito ang mahigpit na panuntunan sa inoculation sa mga ospital, kolehiyo at unibersidad sa susunod na linggo.
Ito rin ay hakbang umano ng gobyerno sa tuluyang transisyong ng kanilang bansa sa new normal kung saan ang malawakang pagtanggal sa pagsusuot ng face mask ay maipapatupad sa Marso 21.
Ang panuntunang pagsusuot ng face mask sa buong bansa ay magtatapos sa Marso 21, ngunit kakailanganin pa rin ang pagsusuot nito sa ilang hopital at sa pampublikong sasakyan hanggang Abril 27.
Samantala sinabi naman nitong tuloy-tuloy pa rin ang pagbibigay ng tulong sa lahat ng mga residenteng naapektuhan sa Ukraine bunsod ng nangyayaring girian pa rin laban sa bansang Russia.