Dagupan City – Nakahanda na ang mga traffic enforcers sa bayan ng Manaoag sa inaasahang pagdami ng mga sasakyan sa kalsada lalo na sa pagpasok ng mga estudyante sa kanilang paaralan ngayong nagsimula na ang Balik-Eskwela.
Pinag-ibayo na nila ang pagtutok sa maayos na daloy ng trapiko sa buong bayan, lalo na sa mga lugar na madalas ma-congest tulad ng paligid ng simbahan at mga paaralan.
Naka-deploy na din ang mga karagdagang tauhan sa mga strategic locations upang maagapan ang anumang posibleng pagsikip ng trapiko.
Mayroon din silang mga plano para sa traffic rerouting kung kinakailangan.
Paalala naman nila sa publiko na sumunod sa mga traffic rules and regulations upang maiwasan ang anumang aksidente o abala.
Hinikayat din mga magulang na mag-ingat sa paghatid-sundo sa kanilang mga anak sa paaralan.
Sa kabuuan, determinado ang mga traffic enforcers ng Manaoag na tiyakin ang kaligtasan at maayos na pagbiyahe ng lahat ngayong pasukan.