Dagupan City – Nauwi sa pagkakaaresto sa isang lalaki sa bayan ng Manaoag matapos umano nitong sakalin at tangkang gilitan sa leeg ang kanyang asawa.

Bukod pa rito, nahulihan din siya ng ilegal na droga at baril.

Nagtungo sa himpilan ng pulisya ang biktima upang ireklamo ang kanyang 45-anyos na asawa matapos ang insidente na naganap pasado alas siyete ng gabi sa kanilang bahay.

--Ads--

Agad rumesponde ang PNP at naabutan ang suspek sa bahay na may dalang baril.

Kinumpiska sa kanya ang isang sachet ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia, at isang caliber .38 revolver na may anim na bala.

Nahaharap ngayon ang suspek sa mga kasong may kaugnayan sa pananakit, ilegal na droga, at paglabag sa batas ng baril.