DAGUPAN CITY – Nagiging pahirapan para sa mga mamamayan sa Mariposa County sa California ang patuloy na wildfire sa kanilang lugar.
Ayon kay Bombo International Correspondent Isidro Madamba Jr. mula sa California, USA, nasa 2000 na mga bumbero na ang nagtutulong-tulong na apulahin ang apoy ngunit hanggang sa ngayon ay hindi pa rin ito naapula.
Aniya, kung hindi pa umano mapipiligilan ang naturang wildfire mas maraming mga kabahayan o mga establisyemento ang madadamay na matupok din ng sunog.
--Ads--
Madalas na at tipikal na rin na nangyayari ang mga wild fires sa bahagi ng Estados Unidos.
Katunayan sa kabuuan, nasa 35,000 na ektarya na ang nasunog sa naturang estado dahil sa wildfire na nangyari sa nakalipas na mga taon.