DAGUPAN CITY- Tila pagbili lamang ng candy ang pagkakaroon ng baril sa Estados Unidos basta lamang ay legal itong residente na nasa legal na edad.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Isidro Madamba Jr., Bombo International News Correspondent sa USA, talamak ang mass shooting sa nasabing bansa dahil sa hindi gaanong mahigpit na batas hinggil sa mga baril.
Aniya, hanggang rehistrado at may permiso ito na magdala ng baril ay maaari nila itong bitbitin sa mga pampublikong lugar.
Kabilang na sa mga epekto ng maluwag na batas sa baril ay ang kamakailang pamamaril sa isang cometic facility sa Albany, Ohio.
Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ang suspek na siya rin empleyado ng nasabing pasilidad.
Nahaharap naman ito sa kasong aggreviated murder matapos nitong mapaslang ang isa nitong katrabaho habang 5 naman ang sugatan.
Sa kabilang dako, isang paglabag sa batas ng Estados Unidos ang hindi otorisadong pamimigay o pagpapakalat ng opisyal na video lalo na sa mga insidente.
Ayon kay Madamba Jr., ito ang naging dahilan ng pagkakaaresto ng dalawang empleyado ng isang airline na nagpakalat ng video ng banggaan ng isang passenger airplane at military helicopter sa Washington, D.C kamakialan.
Nahaharap ang mga ito sa kasong computer trespassing at maaaring makulong na tatagal ng 16 months-3 years at may kaukulang multa na $10,000.
Samantala, unti-unti nang nakikilala ang mga biktima ng nasabing insidente.