Isa lamang political stunt at hindi seryosong alegasyon laban sa kongreso at malakayang ang nasabing malisyoso at iresponsableng alegasyon ng blankong mga pahina o figures sa 2025 General Appropriations Act (GAA) na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Joseph Emannuel Cera – Constitutional Lawyer napaka-imposibleng paniwalaan ang nasabing alegasyon bagama’t ay nirereview ng bicameral committee ang nasabing budget bago ito pirmahan ng Pangulo.

Bukod dito ay malabo din na lalagyan ng blank items ito lalo na at ito ay batas na dumadaan muna sa tamang proseso.

--Ads--

Samantala, ang ganitong alegasyon aniya bagama’t ay bahagi ng malayang pamamahayag at walang nakikitang criminal case magdudulot naman ito aniya ng political backlash dahil hindi naman ito mapapatunayan.

Hindi rin ito makatutulong sa kanilang imahe dahil mas maniniwala ang taumbayan kung may mga patunay hinggil dito.