Napilitan umanong pumasok sa kooperatiba para sa consolidation ang maliit na porsyento ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) para lamang maipagpatuloy nila ang kanilang hanap buhay.
Ayon kay Modesto “Mody” Floranda, National President ng nasabing samahan, ito lamang ay epekto ng nakaraang deadline ng consolidation noong Desiyembre 31, noong nakaraang taon.
Samantala, batay aniya sa takbo ng hearing sa kongreso, wala naman umanong dahilan para hindi sila payagang makapag-renew ng kanilang prangkisa at ng rehistro sapagkat marami pa rin sa mga tanong ng mga drayber at operators ang hindi kayang sagutin ng
Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Katulad na lamang ng root rationalization na halos sampung porsyento pa lamang ang mga nagco-comply na mga lungsod sa Pilipinas.
Sinasabi naman aniya ng mga congressman na ang nagbigay ng prangkisa ay ang kongreso at hindi ang DOTr at LTFRB kaya’t wala silang karapatan na bawian ng prangkisa ang mga jeepney at utility vehicles.