BOMBO DAGUPAN- Tinatanggap ng grupong PISTON ang pagbaba ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Mody Floranda, National President ng nasabing grupo, bagama’t maliit lamang ang pagbaba nito kumpara sa pagtaas noong mga nakaraang linggo ay makakatulong pa din ito para sa kikitain ng mga pampublikong transportasyon.

Aniya, ang sumasabay ng pagtaas ng presyo ng petrolyo sa mga pang-araw araw na bilihin na siyang lalong nagpapaliit ng kanilang kinikita.

--Ads--

Bukod pa riyan, labis din nakakaapekto ang matinding trapiko, at aasahan pa ito sa darating na pagsapit ng pasko.