Maaaring kasuhan ng malicious mischief ang sinuman na mapapatunayan na nanira ng isang ari-arian.

Ayon kay Atty. Joey Tamayo, Co-anchor ng Duralex Sedlex maaaring isampa ang kaso ng malicious mischief laban sa nasabing akusado.

Kung saan aniya, may tatlong pangunahing elemento ang kasong ito: (1) intensiyon na sirain ang ari-arian ng iba, (2) patunay na ang nagrereklamo ang tunay na may-ari ng bahay at lupa, at (3) ebidensya na pumasok at nanira ang akusado pati na rin ang halaga ng pinsalang naidulot.

--Ads--

Pinayuhan din ni Atty. Tamayo ang mga nakaranas ng mga ganitong sitwasyon na unang magdaos ng pagpupulong sa barangay para maresolba ang isyu bago magsampa ng kaso.

Bukod dito, hinimok niya ang lahat na manatiling kalmado upang maiwasan ang mas malaking gulo.

Kung mapatunayan ang kaso, maaaring pagmultahin at pagkakakulong ang akusado, kasama ang pagbabayad ng danyos na umaabot mula ₱40,000 hanggang ₱200,000.