BOMBO DAGUPAN- Pinaghihinalaan ng mga opisyal ng Brazil na mga kriminal umano ang nasa likod ng ilang pagsiklab ng sunog na pininsala ang malaking bahagi ng estado ng São Paulo.

Ayon kay National Office for Protection and Civil Defence Wolnei Wolff, 99.9% na sunog sa estado ay kagagawan ng mga tao.

Wala umanong pagtama ng kidlat o paglubog nh high voltage cables na maaaring maging responsiblidad sa malawakang sunog. Gayunpaman, apat na indibidwal ang inaresto.

--Ads--

Saad naman ni Evironment Minister Marina Silva na “unusual” umano ang pangyayari sapagkat ngayon lamang sila nakakita ng sabay-sabay na pagsiklab ng sunog sa mga malalayong lugar.

Samantala, hindi sinabi ng mga opisyal kung ano ang maaaring motibo ng mga nagsunog, ngunit ang sabay-sabay na pagsunog ay pagpapahiwatig umano na sinadya ito.