DAGUPAN CITY- Malaking bagay para sa mga tsuper ang mangyayaring major rollback ng langis upang makabawi sa kanilang kita.
Sa panayam ng Bombo Radyo Daguopan kay Bernard Tuliao President ng AUTOPro Pangasinan, isa itong paraan upang makabawi sa mga nakaraang pagkakataon na kulang ang kanilang kinikita sa pamamasada.
Aniya, maaaring dumoble ang kanilang arawang kita, kung hindi naman ay maaaring gumaan ang kanilang pasada.
Sa ngayon ay isang litro, isang ikot ang nangyayari, kaya’t malaking bagay ang pagababa ng presyo ng langis upang hindi mapwersa ang mga driver kahit na sobrang mainit ang panahon.
Dagdag niya, malaking bagay din ang ibinibigay na fuel subsidy ng pamahalaan na maaaring gamitin tulad ng pang-maintanance sa mga jeepney.
Samantala, pareho naman ang presyo ng pyesa ng mga sasakyan at hindi ito nagbababa kaya’t kailangan ding ingatan ang mga gamit na jeepney.
Paalala naman ng kanilang grupo sa mga tsuper na laging mag-iingat sa tuwing mamamasada dahil sa init ng panahon.