Libu-libong mga nagprotestang Amerikano ang nagtipon sa iba’t ibang lungsod sa buong bansa upang ipahayag ang kanilang pagsalungat kay US President Donald Trump.
Ang “Hands Off” na protesta, na itinuturing na pinakamalaking pambansang demonstrasyon laban sa administrasyon ni Trump, ay ginanap sa 1,200 lugar, kabilang na ang 50 estado ng US.
Sa mga lungsod tulad ng Boston, Chicago, Los Angeles, New York, at Washington DC, ipinahayag ng mga nagprotesta ang kanilang mga saloobin laban sa mga polisiya ni Trump, mula sa mga isyung panlipunan hanggang sa mga usapin pang-ekonomiya.
Ang mga rally ay naganap ilang araw matapos mag-anunsyo si Trump ng pagpapataw ng tariffs sa mga kalakal mula sa iba’t ibang bansa.
Hindi lamang sa US nagkaroon ng mga protesta, kundi pati sa mga lungsod tulad ng London, Paris, at Berlin.