Magkakaroon ngayong araw ng malawakang protesta ng mga manggagawa sa national Capital Region upang hilingin ang kagyat na pagtataas sa sahod ng mga mangagawa.
Ayon kay Elmer Labog, chairperson ng Kilusang Mayo Uno, sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan, ang kilos protesta sa NCR ay panimulang hakbang pa lamang at ito ay susundan pa ng mga pagkilos sa mga susunod pang araw.
Sa darating na Mayo Uno ay mas inaasahang dadagsa sa mga lansangan ang magsasagawa ng protesta kapag hindi binigyang pansin ang panawalan na kagyat na pagtaaas sa sahod.
Nangangamba si Labog na mas marami pa ang magsasarang pabrika na small medium and micro enterprises.
Dagdag pa niya na marami na ang natanggal sa trabaho at nasa 4.6 million pa ang walang hanap buhay sa ngayon habang nasa 7.6 million ang under employed.
Noong magsimula ang pandemya ay maraming manggagawa ang hindi nakapasok sa kanilang mga trabaho at mayroon pang ‘no work, no pay’ na sa kabila nito marami namang manggagawa ang hindi nakatanggap ng ayuda.