Dagupan City – ‎Patuloy ang isinasagawang libreng anti-rabies vaccination para sa mga alagang aso at pusa sa Bayan ng San Fabian.

‎Ayon kay Ramoncito Cedaña, OIC ng MAO San Fabian, Katuwang ng ahensya ang Provincial Agriculture Office sa pag-abot ng serbisyo, kabilang na ang deworming para sa mga hayop.

‎Bahagi ng kampanya ang pagpapaalala sa mga pet owner na panatilihing updated ang taunang bakuna ng kanilang mga alaga upang maiwasan ang pagkalat ng rabies sa lugar.

‎Noong nakaraang taon naitala ang pinakahuling kaso ng rabies sa bayan matapos magpositibo ang isang aso. Agad namang nagpatupad ng malawakang vaccination drive ang lokal na pamahalaan upang mapigil ang pagkakaroon ng karagdagang kaso.

‎Sa ngayon, nakatutok ang operasyon sa mga barangay na may mataas na bilang ng alagang hayop, habang hinihikayat ang mga residente na makipag-ugnayan sa kanilang barangay veterinarian o agriculture office para sa iskedyul ng bakunahan.