Dagupan City – Pinasinayaan ang bagong tayong Operation Center ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng lokal na pamahalaan ng Malasiqui, na isang mahalagang hakbang para sa mas epektibong pamamahala at pagtugon sa mga sakuna sa bayan.
Dinaluhan ng mga opisyal ng bayan, mga pinuno ng departamento, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, mga boluntaryo, at mga empleyado ng LGU ang makasaysayang pagbubukas ng bagong pasilidad na matatagpuan sa Don Vicente Quintans Street, Poblacion.
Itinayo ang gusali upang paghusayin pa ang koordinasyon at kahandaan ng bayan sa harap ng iba’t ibang uri ng emergency, kabilang na ang natural na kalamidad, sunog, aksidente, at iba pang krisis.
Nagsisilbi itong command center na may mga pasilidad para sa real-time monitoring, disaster planning, at rapid response operations.
Higit pa rito, isinusulong nito ang aktibong partisipasyon ng komunidad sa disaster preparedness at risk reduction.