Dagupan City – Nagsisimula nang maranasan ang northeast monsoon o amihan season sa bansa ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Dagupan City.

Ayon kay Engr. Jose Estrada Jr., Chief Meteorologist sa PAGASA Dagupan, wala na umano silang nababantayan na weather system sa extreme northern luzon kasabay ng pagdeklara nila ng pagtatapos ng southwest monsoon o habagat noong October 7.

Aniya na ito ang nagbigay daan sa transition period kung saan nagbabago ang direksyon ng hangin. Sa panahong ito, lumalakas ang high-pressure system mula sa silangang Asya na nakakaapekto sa panahon sa Pilipinas.

--Ads--

Asahan na umano ang malamig na hangin at temperatura habang unti-unting nagiging dominanteng hangin ang amihan lalo na ang pagsapit ng hapon, gabi at madaling araw ngunit sa tanghalo ay makakaranas parin ng maalinsangan na panahon.

Dadag nito na tatagal ito hanggang Enero at Pebrero kung saan dito din mararanasan ang pinakamababang temperatura.

Samantala, ang pagdating din aniya ng amihan ay nagpapahiwatig ng paglapit ng kapaskuhan. (Oliver Dacumos)