Malaki ang papel ng kababaihan sa pangangalaga ng kalikasan dahil sila ay aktibong bahagi ng tahanan at komunidad.

Ayon kay Genevive H. Bugtong, Admin. Officer Designate, CENRO, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, bilang pakikiisa, isinusulong ng Gender and Development (CENRO GAD) ang pagkakapantay pantay ng babae at lalaki gayundin ang pagbibigay ng pantay na oportunidad sa lahat anuman ang kasarian.

Ayon kay Bugtong, mahalaga ang GAD dahil ang pangangalaga sa kalikasan ay para sa lahat at lahat ay may papel mapa babae man o lalaki.

--Ads--

Binigyang diin niya na ang environmental protection ay nangangailangan ng partisipasyon ng buong komunidad at hindi ito magiging epektibo kung may sektor na naiiwan tulad ng mga kababaihan.

Samantala, ayon naman kay Derek Bayer, Forester ng CENRO, bilang malaki rin ang papel sa pangangalaga sa kalikasan ay isa sa kanilang pinatutuunan ng pansin ay ang tungkol sa forest fires na madalas na nangyayari sa panahon ng tag init.

Sinabi nito na ang DENR ay buong nakasuporta sa advocacy ng fire prevention at mandato ng kagawaran na pangalagaan at pangasiwaan ang kapaligiran at mga likas na yaman,

Aniya, sa pangunguna ng Department of Interior and Local Government o DILG sa pamamagitan ng Bureau of Fire Protection, ang selebrasyon ngayong taon ay may temang ” Sa pag -iwas ng sunog, di ka nag iisa”.

Bilang pakikiisa ay nagsasagawa sila ng awareness campaign tulad ng radio guesting at koordinasyon sa kanilang mga DENR Partners, barangay, at private stakeholders.

Binigyang diin nito na hindi lamang responsibilidad ng ilan ang pag iingat sa pagkakaroon ng sunog kundi bawat Pilipino ay dapat makibahagi.