Natuklasan ang isang malaking bitak sa kalsada sa parte ng Alcala-Moncada Road na matatagpuan sa Sitio Cupi, Brgy. San Pedro Ili sa bayan ng Alcala.
Ayon sa ulat, ang bitak ay may sapat na laki upang maging sanhi ng aksidente, lalo na sa mga mabibigat na sasakyan.
Dahil dito, pinapayuhan ang mga motorista ng malalaking sasakyan na gumamit ng alternatibong ruta.
Samantala, ang mga may maliliit na sasakyan ay maaaring dumaan ngunit kinakailangang mag-ingat.
Kasalukuyan na itong naipaabot sa Provincial Engineering Office kaya inaasahang makakapagsagawa ang mga ito ng ocular inspection at agarang pagkilos upang maayos ang nasirang bahagi ng kalsada.
Inaasahan na mabibigyan ng agarang solusyon ang problema upang maiwasan ang anumang hindi kanais-nais na pangyayari.
Patuloy naman na minomonitor ng mga kinauukulan ang sitwasyon at paalala sa publiko ang pag-iingat sa pagdaan sa nasabing lugar.