Posibleng maranasan ng mga motorista ang malaking rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo matapos ang pagbuti ng relasyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.
Batay sa paunang pagtataya ng Department of Energy (DOE), maaaring bumaba ng P4 hanggang P5 kada litro ang gasolina, P8 hanggang P10 kada litro ang diesel, at P9 hanggang P11 kada litro ang kerosene sa Hunyo 23.
Bagama’t naobserbahan ang mga pagbaba dahil sa sitawasyon sa Gitnang Silangan hindi parin daw ito tiyak kung madtutuloy-tuloy dahil nakasalalay parin ang kasunduan ng tigil putukan sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.
Nagdagdag pa sa kawalang-katiyakan ang anunsyo ng Switzerland na ipinagpaliban ang nakatakdang pag-uusap sa pagitan ng Estados Unidos at Iran na magpapatibay sana sa mas malawak na kasunduan sa rehiyon.
Wala pang inilalabas na bagong iskedyul para sa pagpapatuloy ng negosasyon.










