DAGUPAN CITY- Nabulabog ang mga residente ng Sitio Boquig, Barangay Bacayao Norte ng isang napakalakas na pagsabog nitong gabi ng kapaskuhan, December 25.
Batay sa isinagawang pagresponde ng Bureau of Fire Protection (BFP) Dagupan, sa kanilang initial report, ikinasawi ito ng 2 katao at sugatan naman ang iba pang 2 indibidwal.
Agad naman dinala sa ospital ang mga ito.
Patuloy pa rin isinasagawa ang imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng naturang insidente.
Gayunpaman, lumalabas umano sa imbestigasyon na mula sa nakatagong paputok sa isang bahay ang pinagmulan ng pagsabog.
Umabot naman ng mahigit isang oras ang pag-apula ng mga bumbero sa idinulot nitong sunog.
Samantala, nagpaabot naman ng pakikiramay si Dagupan City Mayor Belen Fernandez sa mga biktima.
Personal na nagtungo ang alklade, kasama si Vice Mayor Bryan Kua, sa pinangyarihan ng insidente upang matiyak na may agarang aksyon at mahigpit na koordinasyon ng mga ahensya, lalo na sa imbestigasyon.
Nagpaalala naman ito sa pag-iingat sa paggamit ng paputok sapagkat maari itong maging mitsa ng isang buhay.










