Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs na posible pang maulit  ang malakas na lindol sa ibat ibang lugar sa bansa.

Kaugnay  nito, hinikayat ni Phivolcs Director Renato Solidum ang publiko na maging alerto at maghanda sa anumang sitwasyon.

Mahalaga aniya na parati tayong handa sakaling magkaroon ng lindol na pwedeng manggaling sa mga fault sa paligid ng Luzon.

--Ads--

Payo niya publiko na   tiyaking matibay ang mga bahay at gusali at kapag lumilindol ay maging tama ang pagresponde at huwag magpanic.

Hinikayat niya ang publiko na  sumali sa mga earthquake drill na isinasagawa ng gobyerno para maituro sa mga tao ang tamang pagtugon  o pagkilos kapag may lindol.