Naganap ang taunang Puto Festival 2025 sa Calasiao na puno ng kasiyahan, kulay, at talento, kung saan nagtanghal ang iba’t ibang clusters sa Street Dance Competition na nagpakita ng malikhaing choreography, makukulay na costume, at kakaibang interpretasyon ng kultura ng bayan.
Sa kompetisyon, itinanghal ang Cluster 4 bilang Champion kasama ang premyong ₱150,000, samantalang ang Cluster 2 ang nakakuha ng 1st runner-up, 2nd runner-up naman ang cluster 3, at ang Cluster 1 naman ay nakamit ang 3rd runner-up.
Bukod sa kabuuang panalo, pinarangalan din ang Cluster 4 sa Best in Costume at Best in Choreography, habang nasa cluster 1 naman ang titulo sa Festival Queen.
Samanatala, pinuri ang natitirang clusters sa kani-kanilang natatanging pagtatanghal, na nagpakita ng disiplina, dedikasyon, at pagkamalikhain sa bawat kilos at galaw.
Sa festival na ito, malinaw na hindi lamang pagkain ang ipinagdiriwang kundi ang kultura, tradisyon, at sining ng Calasiao.
Ang mga kalahok ay hindi lamang nakipagtagisan sa sayaw kundi ipinakita rin ang pagpapahalaga sa komunidad, pagkamalikhain, at pagkakaisa ng bawat cluster.
Sa nangyaring kompetisyon, naipakita ang lokal na talento at ang kahalagahan ng mga selebrasyon bilang paraan ng pagpapakita ng pagkakakilanlan at pagmamalaki sa sariling bayan.
Ang Puto Festival ay naging isang di malilimutang karanasan na nagbigay-inspirasyon sa lahat, mula sa mga kalahok hanggang sa mga manonood, at muling nagpatingkad sa Calasiao bilang tahanan ng sikat na Puto at ng mayamang kultura ng Pangasinan.










