Dagupan City – Nakatakdang isaayos ang mga mainarya sa World War II na naka-display sa kapitolyo sa bayan ng Lingayen
Ayon kay Tony Ferrerdo, Philippine World War II Memorial Foundation, layunin nito na maipakita ang malalimang pag-unawa ng mga bibisita sa bayan.
Aniya, kaakibat kasi ng pagbibigay ng mas malalimang kaalaman sa mga dumarayo ay ang pagbibigay ng isang kalidad na imahe na siyang makakatulong sa pagpapaintindi ng simbolismo.
Sa katunayan aniya, ang mga napreserve ng kapitolyo na nakadisplay rito gaya na lamang ng mga tanke na matatagpuan sa Capitol ay nagmula pa sa Japan.
Binigyang pagkilala rin nito ang mga bayan gaya na lamang ng Lingayen na siyang pinaggganapan ng pinakamalaking kamikaze attack na nangyari noon.
Dagdag pa ang bayan ng San Manuel at Binalonan, na siyang pinangyarihan din ng top battles sa pacific war noong 1944.