Dagupan City – Ipinaliwanag ng PAGASA Dagupan City ang dahilan ng makapal na hamog sa umaga na naranasan sa mga nakaraang araw dito sa lalawigan.
Ayon kay Engr. Jose Estrada Jr., Chief Meteorologist ng tanggapan, ang hamog ay resulta ng “latent heat” O mas kilala bilang water vapor.
Ibig sabihin nito nabasa ang tuyong lupa dahil sa mga pag-ulan sa gabi, kaya’t nabubuo ang makapal na hamog sa madaling araw at tumatagal ng ilang oras, kasama ang mga water droplets.
Normal lamang aniya ang ganitong pangyayari kung may localized thunderstorm sa gabi, malamig na panahon dahil sa hanging amihan (northeast monsoon), at umiiral ang shearline ngunit bihira lamang ito kung maalinsangan ang panahon.
Samantala, posibleng wala o isa lamang ang bagyong papasok ngayong buwan, depende kung may mabubuo sa labas ng Philippine Area of Responsibility.
Saad pa nito na inaasahan pa rin ang malamig na panahon hanggang sa katapusan ng buwan.
Ngunit kapag sumapit na ang buwan ng Marso ay posible nang tataas ang temperatura dahil sa easterlies at magsisimula na ng summer season.