Naghain ng House Resolution No. 809 ang mga kinatawan ng Makabayan bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na nananawagan sa pamahalaan ng Pilipinas na muling sumapi sa International Criminal Court (ICC).

Ayon sa mga mambabatas, layunin ng resolusyon na ibalik ang pagiging kasapi ng bansa sa ICC upang palakasin ang pananagutan at pagtitiyak ng hustisya sa mga kaso ng malulubhang paglabag sa karapatang pantao.

Iginiit ng grupo na mahalaga ang partisipasyon ng Pilipinas sa pandaigdigang mekanismo ng hustisya, lalo na sa mga kasong may kinalaman sa crimes against humanity, genocide, at iba pang seryosong krimen na saklaw ng ICC.

--Ads--

Matatandaang naging epektibo ang pagkalas ng Pilipinas sa ICC noong Marso 2019, matapos ihain ng administrasyon noon ang pormal na withdrawal noong 2018.