Dagupan City – Inilunsad ng Department of Agriculture-Philippine Carabao Center (DA-PCC) aang “Intensified Livestock Breeding Program 2025” sa Don Mariano Marcos Memorial State University (DMMMSU) upang palakasin ang industriya ng mga alagang kalabaw sa rehiyon.
Kasama ang Infanta Municipal Agriculture’s Office at ilang staff ng naturang opisina gayundin ang mga barangay ng Batang at Bamban ang ma napiling benpisyaryo sa pagsasagawa ng aktibidad.
Ang programa ay naglalayong mapataas ang produksyon ng guya at mapabuti ang kalidad ng kalabaw gamit ang modernong pamamaraan ng pagpapalahi.
Ang guya ay tumutukoy sa isang batang baka o kalabaw na hindi pa ganap ang paglaki.
Samantala, kabilang sa mga matgumpay na isinagawa sa mga kalabawa ay Serye ng onsite orientation tungkol sa Carabao Upgrading Program, Estrus synchronization at artificial insemination, Pagsusuri ng pagbubuntis , Pagbibigay ng bitamina at pagpurga laban sa bulate at Artipisyal na pagpapalahi gamit ang natural na init.
Isa rin sa kanilang layunin mapalakas ang sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng pagpapabuti ng produksyon ng gatas, karne, at iba pang produkto ng hayop at sa pamamgitan nito ay magkakaroon ng magandang kalidad ang mga kalabaw na makakatulong sa mataas na ani ng mga magsasaka.