Dagupan City – Nanindigan ang dating majority 7 na ngayon ay naging minority 4 councilors na may katiwalian sa Sangguniang Panlungsod ng Dagupan.

Ayon kay Dagupan City Councilor Alfie Fernandez, malinaw na ang ginawa ng presiding officer sa nagdaang insidente sa sesyon ng Sangguniang Panlungsod, kung saan hindi napaboran ang kanilang hiling na tanggalin sa rekord ang dokumento na nag-apruba ng 2023 annual budget ng lungsod na may pinapanigan ito.

Aniya, ang pagpataw ng 60 days Preventive Suspension laban sa tatlong miyembro ng 7 majority councilors sa lungsod ng Dagupan na sina city councilors Irene Lim-Acosta, Red Erfe-Mejia, at Alfie Fernandez ay isang taktika para patahimikin sila sa mga nakikita nilang katiwalian sa loob ng Sangguninan.

--Ads--

Binigyang diin naman nito na sana ay naisakatuparan ang pagkakaroon ng maayos at formal na forum kung hindi sila binabaliwala at tinatanggap ang mga katanungan nila hinggil sa mga proposed budget.

Dagdag pa ni Dagupan City Councilor Celia Lim, ang tama ay tama at ang mali ay mali. Kung kaya’t sa nangyayari ay ayaw na lamang din nilang umattend sa mga meeting gayung hindi naman sila napapakinggan sa mga desisyon.

Tinawag naman ito ni Dagupan City Councilor Redford Efe-Mejia bilang isang political harassment at binigang diin din na ginawa lamang ito para patahimikin sila.

Inihalimbawa naman ni Efe-Mejia ang issue sa scholarship program, kung saan ipinasa umano nila ng buo ang P200 Milyon na annual budget ngayong taon, ngunit isa sa nakikita nitong problema ay ang pagpili sa mga scholars.