Sugatan ang isang lalaki matapos na saksakin sa diversion road sa barangay Santo Domingo sa lungsod ng Urdaneta.
Ayon kay police captain Rey Floro Tuanquin, chief, Investigation officer sa Urdaneta City PNP, kinilala ang biktima na si Glydel Mejia Andrada, 23 anyos, binata at nakatira sa ciudad ng Urdaneta.
Inundayan siya ng saksak sa bandang kaliwang likuran ng suspek na si Arnel Figuracion Espero, 26 taong gulang at nakatira sa zone 1 sa San Vicente sa nasabing ciudad.
Ayon sa initial na imbestigasyon, base sa naging salaysay ng witness na si Julian Joy Caniete, nagkaroon ng sagutan ang suspek at kapatid ng suspek dahil muntik ng masagasaan ang
biktima.
Ang mainitang pagtatalo ay nauwi sa suntukan at nang makita sila ng suspek ay lumapit at inundayan ng saksak ang biktima.
Agad namang sinugod ang biktima sa Urdaneta District Hospital habang ang suspek ay nagmadaling umalis subalit inaresto ng kapulisan sa kanilang bahay sa San Vicente sa nasabing ciudad.