BOMBO DAGUPAN – May positive effect sa mga isda ang pagbabago ng panahon, na minsan ay uulan at mainit ang panahon.

Ayon kay Dr. Westly Rosario, Former Center Chief ng National Integrated Fisheries Technology Development Center-BFAR Pangasinan, sa panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan, ang mainit na panahon ay makakatulong para mangitlog o manganak ang mga isda.

Kaya naman kapag sumasapit aniya ang buwan ng Marso ay nagsisimula na mangitlog ang mga isda partikular ang mga bangus.

--Ads--

Ngunit ang sobrang init naman ng panahon ay puwedeng magdulot ng stress sa mga isda.

Dahil dito nagrekomenda siya ng mga isda na dapat alagaan na matibay sa stress gaya ng tilapia at bangus sapagkat kahit na kahit umulan ng malakas at magbago ang alat ng tubig ay kaya nilang mabuhay sa fresh at marine water ang mga uri ng isda na ito.