Dagupan City – Nakakaapekto para sa mga palaisdaan ang mataas na heat index o mainit na panahon na nararansan ngayon ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR region 1

Ayon kay Regional Director Rosario Segundina P. Gaerlan at sa isinagawang kapihan sa Ilocos na sa mga ganitong panahon kasi natutuyo ang ilan sa mga fishpond o di kaya ay unti-unting nawawalan kaya naman malaking problema ito para sa pag-aalaga ng mga isda at gayundin sa mga fish cages. Kung kaya’t may mga mangingisda na maagang naghaharvest upang makaiwas sa pagkalugi ng kanilang mga alagang isda.

Samantala, bukod sa pagmomonitor nila sa epekto ng mainit na panahon isa rin sa kanilang tinututukan ay ang hanapbuhay ng mga mangingisda sa tuwing tag-ulan o may mga bagyo, dahil naantala ang pangingisda ng mga ito kapag naapektuhan ng bagyo.

--Ads--

Kaya naman nakikipag-ugnayan na rin sila sa iba’t ibang ahensya sa mga programa at proyekto na maaring maging alternatibong hanapbuhay ng mga mangingisda sa pabago-bagong panahon