Dagupan City – ‎Paiigtingin ng pulisya sa bayan ng Mangatarem ang pagpapatigil sa paggamit ng mga modified o maiingay na tambutso, kasabay ng pagdami ng motorista tuwing holiday season.

Ayon kay PMAJ Arturo Melchor, COP ng Mangatarem Police Station target ng operasyon ang mga sasakyang lumalabag sa noise regulation na nakaaabala sa mga residente.

Aniya, tinitikay nila na tuloy-tuloy ang operasyon laban sa mga motorista na gumagamit ng pinagbabawal na muffler. Bawat makukumpiskang tambutso ay agad na ina-account at winawasak upang hindi na muling magamit.

‎Batay sa datos ng istasyon, hindi bababa sa 100 muffler ang nasira noong nakaraang taon matapos ang sunod-sunod na operasyon.
‎‎
‎Samantala, Mahigpit din na ipinatutupad ng Mangatarem Police Station ang municipal ordinance na nagpaparusa sa mga magulang o guardian na nagpapabaya o nagpapahintulot sa mga mahuhuling menor de edad na magmaneho sa mga pangunahing kakalsadahan.

‎Giit ni Melchor, Maaari silang pagmultahin o hulihin depende sa bigat at dalas ng paglabag.

‎Maglulunsad muli ng serye ng checkpoint at mobile patrol ang kapulisan upang mas mapabilis ang pagtukoy sa mga lumalabag. Paalala ng PNP Mangatarem, mananatiling prioridad ang kaayusan sa kalsada sa gitna ng inaasahang pagdagsa ng mga motorista ngayong kapaskuhan.