Dagupan City – Mga kabombo! Isa ba kayo sa mga hopeless romantic na gustong-gusto na magkajowa?
Kumbaga ay parang napapagod ka na sa kaka-sana all?

Baka ito na ang tiyansa mo para magkajowa? Viral kasi ngayon ang tinaguriang mahiwagang bato sa Lake Holon kung saan lahat daw ng mga humahalik dito ay nagkakajowa.

Ayon kasi sa initial na datos, umabot sa 97% na mga kalalakihan at kababaehan ang nabigyan ng jowa matapos humalik sa sinasabing “makapangyarihang bato.”

--Ads--

Ang batong ito ay matatagpuan sa South Cotabato.

Binansagan naman ito ng mga tribu doon bilang isang “kissing stone”.