Aminado si National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr na mahigpit ngayon ang ipinapatupad na seguridad sa bahagi ng Sulu dahil na rin sa mga naganap na engkwentro sa pagitan ng pamahalaan at ng mga New Peoples Army o NPA.

Sa esklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Esperon sinabi nito na nagpapatupad doon ngayon ng facial recognition at ID system upang matiyak na hindi makapaghasik ng kaguluhan ang NPA.

Bunga rin aniya ng pinaigting na intelligence gathering kaya naintercept ng mga kasundaluhan ang balak na pambobomba ng mga masasamang loob.

--Ads--

Matatandaan na anim na sundalo ang nasawi samantalang 20 pa ang sugatan matapos maka-engkuwentro ang New People’s Army (NPA)noong nakalipas na araw.

Batay sa paunang report ng Armed Forces, nasa 50 NPA ang nakasagupa ng mga sundalo sa Barangay Pinalag-an sa Borongan, Eastern Samar. Sabay-sabay umanong sumabog ang anim na improvised explosive devise (IED) na nagresulta sa pagkasawi at pakasugat ng mga sundalo.
Samantala, may isa naman umanong naitalang patay sa panig ng NPA.