DAGUPAN CITY–Umaabot sa higit 900 na baboy ang isinailalim sa culling o pinatay sa bayan ng Bayambang matapos magpositibo sa african swine fever ang ilang baboy sa barangay Apalen sa nasabing bayan.

Ang mga baboy ay nakapaloob sa 1 kilometer radius.

Samantala, ideneklara na rin ng local na pamahalaan ang state of calamity sa labing dalawang barangay na sakop ng 1 kilometer quarantine zone.

--Ads--

Sa kasalukuyan ay mas pinaigting ang seguridad sa lugar at naglagay ng kordon sa burial sites ng mga baboy.

Nagsasagawa na rin ang mga otoridad ng surveillance sa 7 at 10 kilometers radius mula sa ground zero.

Matatandaan na nagpositibo sa African Swine Fever (ASF) ang 30 na blood sample na kinuha mula sa mga namatay na baboy sa Barangay Apalen.

Dahil dito, agad nagpatupad ng 1-7-10 quarantine protocol sa nasabing bayan kung saan isinagawa ang culling operation o pagkatay sa mga natitirang alagang baboy ng hog raiser.