Umabot na sa mahigit 8 bilyong piso ang naitalang pinsala o danyos sa agrikultura dito sa Rehiyon 1 at inaasahan pang tataas ito dahil nagpapatuloy pa ang ginagawang assessment.

Ayon kay Engr. Rosendo So, chairman ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, pinakamalaking naapektuhan dito ay mga agriculture area sa mga palay at agricultural crop.

Bagsak presyong palay ang isa sa problemang maaring kakaharapin ngayon ng mga magsasaka.
Saad pa nito na lubos maapektuhan sa mga sakayang nalubog sa baha at nasira ay ang lalawigan ng La Union.

--Ads--

Dagdag pa nito na sa darating na Miyerkules ay magkakaroon ng meeting ang NEDA at DA upang pag-usapan at tugunan ang nasabing poblema at makapaghatid ng tulong sa mga apektadong magsasaka.