BOMBO DAGUPAN – Mahigit P7 billion ang proposed budget para sa annual investment program ng provincial government ng Pangasian para sa calendar year 2025.

Ayon kay Pangasinan Vice Governor Mark Ronald Lambino, presiding officer ng Sangguniang Panlalawigan, ang nasabing pondo ay ilalaan para sa kalusugan, edukasyon, turismo, imprastraktura, kasama ang Pangasinan Polytechnic College.

Sinabi ni Lambino na ito ay mas mataas ng P1.3 billion kumpara sa 2024 annual budget.

--Ads--

Nangangahulugan na tumaas ang National Tax Allocation ng probinsya.

Ayon sa bise gobernador, hindi lang sa National Tax Allocation ang pinagkukuhaan ng revenue ng probinsya kundi sa tinatawag locally generated income mula sa mga nakokolektang buwis sa hospital, Philhealth at sa paglakas ng kita ng probinsya.

Sa kabilang dako naman ay binati ni Lambino si two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo dahil sa ibinigay na karangalan sa Pilipinas matapos makopo ang dalawang gintong medalya sa men’s gymnastics sa 2024 Paris Olympics.

Ayon kay Lambino, si Yulo ay tubong Pangasinan dahil ang kanyang ina ay tubong barangay Aliaga, sa bayan ng Malasiqui.