Ibinunyag ng dating Commission on Audit–Intelligence and Confidential Fund Audit Office (COA-ICFAO) State Auditor na si Roderick Wamil na umabot sa P40 milyon mula sa confidential funds ni Vice President Sara Duterte ang ginamit para sa medical at food aid.

Batay sa mga resibong isinumite ng Office of the Vice President, lumabas na ang naturang pondo ay inilaan sa mga transaksyong hindi pinahihintulutan sa ilalim ng umiiral na patakaran.

Ayon kay Wamil, malinaw na labag sa regulasyon ang paggamit ng confidential funds para sa mga naturang items.

--Ads--

Mga resibong iprinisinta sa Impeachment Court ay naglalaman ng mga pangalan at halagang tinanggap:

Mary Grace PiattosP70,000
Nova PiattosP85,000
Renan PiattosP110,000
Andy LimP50,000
Alejandro PikitP90,000
Feonna BiongP80,000
Sisfrunio BalsacP70,000
Mico HarinaP295,000
Janice Marie RevillaP70,000
Patty Ting
Gabriela Bisaya
P150,000
P70,000

Ayon sa House prosecution panel, ang mga dokumentong ito ay pawang opisyal at pirmado ni VP Sara Duterte. Dagdag pa ni Atty. Kapunan, approbado mismo ng pangalawang pangulo ang mga naturang transaksyon.