Nakumpiska ang mahigit limampung libong pisong halaga ng shabu mula sa tatlong katao sa isang buy-bust operation sa Dagupan City. Ang operasyon ay isinagawa pasado alas tres ng madaling araw sa Barangay Pantal.
Ayon kay Plt. Jesus Manaois ang operation Officer ng Pnp Dagupan, Ang mga suspek ay kinilalang sina Jorge Estrada, Jayson Mayo, at Jeamar Porbile, na pawang mga residente ng brgy. Pantal sa nasabing Lungsod. Ayon sa mga awtoridad, nabisto ang mga suspek matapos makipagtransaksiyon sa isang undercover agent.
Dagdag pa ni Manaois, Ang tanging pakay nila ay si Estrada lamang ngunit sa kanilang operasyon tatlo ang lumalabas na suspek.
Dito na nahuli ang tatlong suspek dahil sa pagbebenta ng illegal na droga.
Sa operasyon, nakuha sa mga suspek ang anim na sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang bigat na walong gramo at nagkakahalaga ng ₱54,400.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng pulisya ang tatlong suspek at mahaharap sa kasong RA 9165 o ang comprehensive dangerous drugs act of 2002.
Patuloy ang ang awtoridad sa pagsugpo sa mga kaso ng illegal na droga sa lungsod.