DAGUPAN CITY- Mahigit kumulang 1,500 na mga estudyante sa iba’t-ibang paaralan sa lalawigan ng Pangasinan ang opisyal nang magtatapos sa Police Community Academy.
Ayon kay PCOL. Rollyfer Capoquian, Provincial Director ng Pangasinan Police Office layunin ng programang magbigay ng kaalaman sa mga estudyante tungkol sa mga responsibilidad at tungkulin ng pagiging isang lider.
Dagdag pa niya na ang aktibidad ay may pagkakahawig sa ROTC, kung saan pinapalakas ang camaraderie at teamwork ng mga kabataan.
--Ads--