DAGUPAN CITY – Tumama ang matinding pag-ulan sa katimugang rehiyon ng Kagoshima sa Japan na nagbunsod sa panawagan ng mga awtoridad sa mahigit kalahating milyong tao na lumikas.

Ayon kay Hanna Galvez, Bombo International News Correspondent sa Japan sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, mahigit 530,000 na katao ang pinapalikas dahil sa walang humpay na pag buhos ng ulan o record breaking na rainfall ang pinakamalakas na ulan sa Kagoshima.

Mabilis umano ang agos ng tubig at umapaw ang mga ilog doon na nagpalubog o pagguho ng ilang mga kabahayan at mga gusali.

--Ads--

May mga napaulat na aniyang nawawala at nasaktan sa pagguho ng kanilang bahay.

Naglabas ang Japan Meteorological Agency ng babala para sa matinding pag-ulan sa katimugang rehiyon kung saan ang pagbaha ay kasunod umano ng matinding init na naranasan sa maraming bahagi ng Japan.

Naitala ang record breaking na heat na umabot sa temperatura na 41.8 degrees Celsius.

Samantala, walang problema aniya doon sa food supply at transportation at mabilis din ang responde at pagtugon ng mga tao kung saan kusa na silang pumupunta sa evacuation area.

Kapag may ganitong kalamidad, lahat aniya ay nakahanda,walang panic at maayos ang galaw doon ng mga tao.