Mahigit isang libong indibidwal sa isang barangay sa syudad ng Dagupan ang inilkas dahil sa banta ng storm surge.

Ayon kay Kapitan Wilmer Castañares ng Barangay Bonuan Binloc, maraming mga pamilya ang lumikas mula sa mga sitios na malapit sa dalampasigan, lalo na kapag malakas ang ulan.

May anim hanggang pitong sitio naman sa barangay ang regular na nalulubog tuwing may malalakas na pag-ulan, kaya’t agad na isinagawa ang pagpapalikas upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente.

--Ads--

Sa kasalukuyan, 45 na classroom ang nagsisilbing pansamantalang evacuation center sa barangay, at sa mga evacuation center ay karamihan ay mga bata at senior citizen.

Gayunpaman, inihayag ng mga lokal na opisyal ng barangay na patuloy nilang pinapalakas ang kanilang mga hakbang upang matugunan ang pangangailangan ng mga evacuees.

Sa tulong ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) at ng lokal na pamahalaan, naipamahagi rin ang mga kinakailangang relief goods at patuloy na sinisiguro na sapat ang suplay ng pagkain at iba pang pangangailangan ng mga evacuees.

Bukod dito, ang Barangay Bonuan Binloc ay naglaan din ng mga karagdagang kagamitan at ilang budget upang patuloy na matulungan ang mga apektadong pamilya.